012 AP Lang whining pt4

Sunday, September 24, 2006
11:49 PM

Gah, bakit ba ang bilis ng weekend na to? Lunes nanaman bukas, hmph.

Araw araw merong writing assignment para sa AP Lang (AP English Language). Okay lang sana kase gusto ko naman magsulat. Sobrang ayoko nga lang yung teacher. Mabait naman, okay lang, pero hindi nakaka-inspire. Di parang last year na gusto kong mag-aral ng mabuti at galingan sa klase. This year walang pakialam ang teacher, walang pakialam ang estudiante, wala akong pakialam. Dapat meron namang katutunan yung klase. Kung wala, sayang lang.

Sabi nila mas mataas daw yung mga scores ng mga nag-AP Lang kesa dun sa mga nag-AP Lit (AP English Literature). Baka siguro kasi mas madali talaga yung Lang. Hindi naman siguro kasi magaling magturo yung teacher. Kasi hindi sya magaling. Hindi nga sya masyadong nagtuturo eh. Naglalagay lang ng notes sa overhead, tapos di pa pinapatapos sa mga kumokopya ng notes kung ano man yung nandun. Basta, and gulo ng klaseng yun. Ayoko sya.

posted by Uh at 11:49 PM | Permalink | 0 comment(s)

011 Kabaliwan* (insayd jowk, eh di naman alam to ni goombah)


12:58 AM



Hehe, wala lang. :p

posted by Uh at 12:58 AM | Permalink | 0 comment(s)

010 Nung pumunta tayo sa taas ng Sto. Rosario church

Thursday, September 14, 2006
12:36 AM

Nico, naaalala mo ba, nung grade 6, umakyat tayo papunta sa taas ng Sto. Rosario church? May wooden stairs, tapos may guano, tapos kinailangan nating dumaan dun sa parang round na bintana...? Sobrang vague yung naaalala ko, pero alam ko na amaze na amaze ako sa view dun, kahit na walang extraordinary anything dun, basta, Angeles parin yun, mahal ko parin ang hometown ko.

Um, sino bang mga kasama natin nun? Tapos pumunta pa tayo dun sa museum sa harap? Kailan nga ba yun at bat wala tayong magawa sa buhay natin? Hehe. Basta, alam ko nagenjoy ako nun. Sana naaalala mo pa.

posted by Uh at 12:36 AM | Permalink | 2 comment(s)

009 4th year na, sa wakas!

Tuesday, September 12, 2006
8:23 PM

Mga klase ko:
Economics
Health
Yearbook
AP English Language and Composition
AP Computer Science
AP Psychology

Dalawa test ko bukas, ang bilis. Tapos kailangan ko rin magsulat ng dalawang paragraph, kahit anong topic. Tapos kailangan kong mamikchur (mag-picture) ng mga counselors at administrators. Tapos... basta, kailangan kong mag-aral. So ayan, babay na.

Wait lang. Isa na lang na comment: sobrang baduy ng mga choices para senior colors, senior song, senior name, at senior motto. Basta, pangit lahat ng choices.

At isa pa, sori ha. Kailangan ko ulit magsalamin. May salamin ako nung grade three, pero sabi ng doctor okay na, di ko na kailangan yung salamin. Pero ngayon kailangan ko ulit. Astigmatism ulit.

posted by Uh at 8:23 PM | Permalink | 0 comment(s)

008 AP Lit/Lang whining pt3

Tuesday, September 05, 2006
12:20 AM

Thesaurus - 19/19.
A Tale of Two Cities - 47/390.
The Picture of Dorian Gray - 229/229.
Due date - 9/05/06. Eight hours from now.

Uh. Ang irresponsable ko. Grr. Di ko yan matatapos by bukas. Pero tatapusin ko rin yan, some other time. Kasi naman, ang boring. Pero pramis, tatapusin ko yan.

posted by Uh at 12:20 AM | Permalink | 1 comment(s)

007 AP Lit/Lang whining pt2

Monday, September 04, 2006
2:21 AM

Thesaurus - 19/19.
A Tale of Two Cities - 47/390.
The Picture of Dorian Gray - 110/229.
Due date - 9/05/06.

Rah.

posted by Uh at 2:21 AM | Permalink | 0 comment(s)

© 2006 Ewan ko. | Blogger Templates by layoutstudios.com and Gecko & Fly.
No part of the content or the blog may be reproduced without prior written permission.
Learn how to Make Money Online at GeckoandFly


Web This Blog




Credits
  Distributed by:

Powered by Blogger

make money online blogger templates

V4NY