24 Sobrang galing ko naman.

Friday, March 30, 2007
12:14 AM

Alam mo ba kung ilang kolehiyo na ang nagsabi sa kin ng, "Sige, matalino ka, dito ka!" at ilan na and nagsabing, "Hindi ka pwede dito. Hindi ka matalino." ? Isa at tatlo.

So hindi 4.0 ang GPA ko. At hindi ako presidente ng kahit anong club. At hindi siguro nila kilala and YFC at GK at kung saan saan ako nag-volunteer.

Atsaka... God, sign ba to na ayaw mo ko dun? Kung ganun, iintindihin ko po at magdadasal ako na kung saan man ako mapadpad, aalamin ko kung pano maging masaya sa lugar at sitwasyon na yun.

Pero masakit lang isipin na ang rason na di ako natanggap ay dahil hindi ako matalino. Baka totoo yun, pero masakit parin.

posted by Uh at 12:14 AM | Permalink | 1 comment(s)

23 Magandang balita.

Wednesday, March 07, 2007
6:32 PM

Kanina binigyan kami ng update ng grades namin so far sa AP Lang. Nakuha ko yung papel (maliit, 1x1 inch piece of paper) at akala ko sabi nya 76. Pero parang weird ang pagkasulat? So binaligtad ko, at yun! Nakita ko! 91! Siyamnapu't isa! Ang saya ko! Haha. Kasi sabi nya di pa included dun yung binigay ko sa kanya na assignment from last week nung absent ako. So, mas mataas pa dun yung grade ko? Sana. YAY!

posted by Uh at 6:32 PM | Permalink | 0 comment(s)

© 2006 Ewan ko. | Blogger Templates by layoutstudios.com and Gecko & Fly.
No part of the content or the blog may be reproduced without prior written permission.
Learn how to Make Money Online at GeckoandFly


Web This Blog




Credits
  Distributed by:

Powered by Blogger

make money online blogger templates

V4NY