30 Grumwadweyt, atsaka Disneyland!

Wednesday, June 27, 2007
3:54 AM

Grumwadweyt na po ako! Sa wakas! Noong ika-labing-isang araw ng junio sa taon na dalawang libo't pito, sa pinaglalaruan ng football ng paaralang pinangalanang William Howard Taft High School, sa siyudad ng Woodland Hills sa California.

Yung araw na sumunod sa gradweysyon, pumunta ulit ako sa Disneyland! Haha. Yesssss, Nemo submarine! Pinakafavourite ko dun ay yung Buzz Lightyear Astro Blasters ride. Hehe. So silly, but so much fun!

Tapos, sa California Adventure, yung Soarin' Over California, ang ganda! Chaka yung sa loob ng Disney Animation building, mahal na mahal ko lahat ng nandoon! Lalo na yung isang malaking kwarto na puno ng mga screens at projectors, pinapakita yung mga Disney cartoons at pinapatugtog yung music ng mga pelikula at basta! Sobrang ganda, pramis! Punta ka! Punta ulit ako! Punta tayo!

posted by Uh at 3:54 AM | Permalink | 1 comment(s)

29 Pinanggalingan.

Monday, June 11, 2007
1:44 PM

Gusto kong pag-aralan ang kasaysayan ng Pilipinas. (Sabi ng English-Tagalog dictionary, history = kasaysayan). Gusto ko ulit magkaroon ng klase na Aralin at Panlipunan. Ayokong maging bobo; ayokong maging ignorante tungkol sa sarili kong bansa.

Di ko nabasa ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo at Ibong Adarna.

Pano ko ba to mapapag-aralan?

posted by Uh at 1:44 PM | Permalink | 0 comment(s)

28 Uwi nalang kaya ako?

Monday, June 04, 2007
11:55 PM

Kjrehtkajlrsj! Frustrating sobra, parang ayaw nila akong mag-aral.

Tapos, debate na sila ng debate sa Congress at sa Senate, at lagi nilang sinasabi na malapit na daw silang mag-approve ng bill, pero hindi naman totoo.

LJKRAOIJURLKSJ.

posted by Uh at 11:55 PM | Permalink | 0 comment(s)

© 2006 Ewan ko. | Blogger Templates by layoutstudios.com and Gecko & Fly.
No part of the content or the blog may be reproduced without prior written permission.
Learn how to Make Money Online at GeckoandFly


Web This Blog




Credits
  Distributed by:

Powered by Blogger

make money online blogger templates

V4NY