so medyo matagal na akong di nagsusulat dito ah. busy eh. so anong pinagkakaabalahan ko?
-wala na akong masyadong namimiss na assignment para sa AP Lang, meaning marami akong ginagawa para sa klaseng yun.
-yearbook page. na-assign sa kin yung boring na page: administrators. pero okay lang. tapos na. boring.
-humihirap na medyo yung AP Com Sci.
-boring at nakakatulog ako lagi sa AP Psych.
-kailangan kong magresearch kung anong college ang gusto kong puntahan. alam kong mag-a-apply ako sa mga UCs at CSUs, pero gusto ko rin mag-apply sa private schools, di ko lang alam saan. ahhhh, tulong po, Lord. nagpatulong na ko noong camp, tapos ni-narrow down nya yung decision ko. before camp, pinag-iisipan ko pa yung East Coast, pero after camp nag-decide ako na sa California na lang. so tinulungan na ko ni Lord, pero please, tulong pa ulit.
-last weekend para sa YFC (Youth for Christ) or CFCY (Couples for Christ-Youth) merong fellowship. basically hang-out. basically bonding. basically wala lang, naglaro-laro sa park at iba pa. meron din ngang event bukas pero magtetest ako ng SATs eh. grrr. (mas gusto kong sinasabi yung YFC kesa sa CFCY, parang mas independent.)
-naglipat ng bahay starting last Sunday. ngayon kalat-kalat pa yung mga gamit. mas malapit na sa school ko yung bagong bahay. at may pool! pero sandali lang daw kami dito, mga three months. ewan ko lang kung yun nga yung mangyayari. ayoko ng manghula. di naman ako manghuhula eh. basta, bahala na si God dun. i trust Him.
yan na muna, babay na.
(haha, tinamad akong mag-capital letters (except sa mga acronyms). hmph.)